Pinagkaguluhan ng mga residente sa Maramag, Bukidnon ang dalawang
libingan na binuksan ng hindi pa nakikilalang suspek.
Sa ulat, sinasabing ninakaw umano ng suspek ang tuhod o
kneecap ng mga bangkay na nakalibing upang gawing anting-anting.
Kaparehong pangyayari ang natuklasan sa Koronadal City, South
Cotabato kung saan ang isang bangkay ng sanggol ang nakalabas na sa nitso siyam
na araw matapos itong ilibing.
Maliban sa nitso ng bata ay dalawang iba pang mga nitso ang
binutas at ninakawan umano ang kneecap upang gawing anting-anting.
Pinaniniwalaan kasi na magbibigay umano ito ng kakaibang
kapangyarihan at proteksyon sa sinumang nagmamay-ari nito.
Mayroon pa umanong mga grupo na kapag may suot ng naturang
anting-anting ay hindi daw tinatablan ng bala gayundin ng itak.
0 Comments