Nagbabala ang mga awtoridad sa publiko sa banta ng mga scammers na talamak lalo na ngayong papalapit na Yuletide season.
Ayon sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group
(PNP-ACG), isa na namang panibagong modus ng pagnanakaw ng pera sa mga biktima
ang kanilang binabantayan kung saan ang mga text scams ay isinasama na sa
lehitimong message threads.
Sinabi ni ACG officer-in-charge Col. Vina Guzman na ang
panibagong uri ng scam ay tinatawag na spoofing scam kung saan sa isang mensahe
ay isinasama roon ang links na kunwari’y mula sa isang bangko o financial
institution.
Kung kaya’t paalala ni Guzman sa publiko na maging
maingat sa lahat ng online transactions.
Ipinaliwanag pa ni Guzman ang mga cybercriminal ay nandadaya
ng email address, numero ng telepono o kahit isang website upang ipakitang ito
ay mula sa isang pinagkakatiwalaang source at hindi mula sa isang scammer.
Gumagamit din aniya ang mga scammer ng malicious software
upang maging makatotohanan ang naturang mensahe.
Dahil dito, hinikayat ng pulisya ang publiko na huwag
basta-basta mag-click ng mga kahina-hinalang links na kanilang natatanggap at
palaging i-verify ang mga transaksyon direkta sa bangko.
0 Comments