Pormal nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dalawang panukalang batas na kinilalang Philippine Maritime Zones Act o Republic Act No. 12064 at ang Philippine Archipelagic Sea Lanes Act o RA No. 12065.
Layunin ng Philippine Maritime Zones Law na ideklara ang
mga karapatan at benepisyo ng maritime zones alinsunod sa umiiral na batas at
kasunduan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Habang, ang Philippine Archipelagic Sea Lanes Law naman
ay naglalayong maitatag ang archipelagic sea lanes sa Philippine archipelagic
waters para matiyak ang seguridad at proteksyon sa sovereignity ng bansa at ng
maritime domain.
0 Comments