Nakawala mula sa isang medical research facility sa South
Carolina ang nasa 43 na mga unggoy.
Ayon kay Yemassee Police Chief Gregory Alexander, ang naturang
mga unggoy ay mula sa Alpha Genesis research facility at nakawala nang nabigo
ang isang empleyado na ma-secure ang enclosure.
Subalit, tiniyak naman ng Alpha Genesis na ang mga
nakawalang unggoy ay hindi nagamit sa anumang test at masyado pa umanong bata
para magkaroon ng disease.
Aktibo namang tina-track ng mga facility workers ang
primates at sinubukang mahuli sila sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain.
Samantala, inabisuhan ng pulisya ang mga residente na panatiliing
nakasarado ang kanilang bahay at iwasang makipag-ugnayan sa mga hayop.
0 Comments