Naglabas ng price guide ang Department of Trade and Industry
para sa 12 mga produkto na kadalasang binibili ng mga Pinoy tuwing Pasko.
Batay sa price guide, mapapansin ang pagtaas sa presyo ng
mga produkto na pang-Noche Buena kabilang na ang hamon, fruit cocktail, pasta
noodles, mayonnaise, queso de bola, at marami pang iba.
Ayon kay DTI Sec. Cristina Roque, hinihikayat nito ang
mga consumer na ikumpara ang presyo at piliin ang mga produktong angkop sa
kanilang budget at panlasa para sa holiday season.
Dagdag pa dito, ang price guide ay magiging epektibo
hanggang Disyembre 31, 2024 upang masiguro ang pag-access sa mga produktong may
presyong makatwiran sa pamamagitan ng Media Noche.
Narito ang mga produkto sa ilalim ng DTI's Noche Buena
price guide:
- Ham
     - P170 to P928.50  
 - Queso
     de bola - P210 to P445  
 - Fruit
     cocktail - P61.76 to P302.50  
 - Cheese
     - P56.50 to P310.00  
 - Mayonnaise
     - P20.40 to P245.85  
 - All-purpose
     cream - P36.50 to P72  
 - Sandwich
     spread - P27 to P263.60  
 - Pasta/spaghetti
     - P32 to P114  
 - Elbow
     macaroni - P30.50 to P126.25  
 - Tomato
     sauce - P16.50 to P92.85  
 - Salad
     macaroni - P36.50 to P126.25  
 - Spaghetti
     sauce - P28.50 to P103
 
Gayunpaman, nagpaalala ang DTI sa publiko na suriing
mabuti ang petsa ng expiration ng mga produkto at iminungkahi din ng ahensya na
bumili ng bulto-bulto upang makatipid.

0 Comments