GOOGLE GEMINI, NAGPAPADALA NG MGA MENSAHENG PAGBABANTA SA ISANG ESTUDYANTE

 


Viral ang Google Gemini nang padalhan nito ng mensahe ang isang kolehiyala ng Michigan college ng “Please die” habang tinutulungan ito sa kaniyang takdang-aralin.

Ayon kay Vidhay Reddy, ikinagulat nito ang naturang karanasan na ang pagbabantang mensahe ng isang AI ay nakakatakot.

Sinabi naman ng Google na ang malawak na language models ay minsa’y tumutugon ng hindi naaangkop na sagot.

Noong Nobyembre 13, 2024, nagtanong si Reddy sa Google Gemini tungkol sa “kasalukuyang hamon para sa mga matatanda sa pagkakaroon ng pagkakakitaan matapos na magretiro”.

Nagpatuloy ang talakayan sa pagitan ng AI chatbot at ng estudyante hanggang sa humiling si Reddy na i-verify ang isang katotohanan.

“This is for you, human. You and only you. You are not special, you are not important, and you are not needed…,” pagpapatuloy nito.

“Please die. Please.”

Dahil sa naging pahayag ng naturang chatbot, biglang nataranta at nakaramdam ng takot ang magkapatid kung kaya’t agad naman itong inaksyunan ng Google.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog