Tinagurian na kauna-unahang double gold medalist si Mea
Gey Niñura ng University of the Philippines sa UAAP
Season 87 Athletics Championships na ginaganap sa New Clark City Stadium sa
Capas, Tarlac.
Pinangunahan ni Niñura ang
women’s 5,000 meters sa naturang kumpetisyon.
Habang, nasungkit naman ng
University of Santo Tomas (UST) ang gold medal sa women’s javelin throw matapos
makapuntos ng 47.36 meters si Lanie Carpintero na sinundan ni Ann Katherine
Quitoy ng De La Salle University sa nakuhang 40.19 meters, at pangatlo si
Elizabeth Sicat ng Adamson University sa 37.87 meters.
Na-secure ni Rica Mae
Balderama ng Lady Tamaraw ang unang pwesto sa triple jump at nilampasan nito
ang pambato ng UST na si Jeanne Arnibal at Abcd Agamanos ng De La Salle
University.
Samantala, nagpapatuloy pa ang
paglalaban ng mga kalahok na unibersidad para sa gold medal ng nasabing
kumpetisyon.
0 Comments