PIOLO PASCUAL, NANLILIGAW NGA BA KAY SUE RAMIREZ?

 



Matapos kumpirmahin ang opisyal na paghihiwalay nina Sue Ramirez at dating nobyo nitong si Javi Benitez ay may ilang kilalang aktor ang tila nagpaparamdam kay Sue.

Kamakailan, kinumpirma ni Javi Benitez ang ilang buwang spekulasyon sa relasyon nila ng aktres na si Sue Ramirez matapos ang limang taong pagsasama.

Ito’y matapos na mag-viral ang isang video ng isang kissing scene ng aktor na si Dominic Roque at Sue Ramirez sa Siargao.

Sa kabila nito, may ibinunyag naman ang content creator-talent manager na si Ogie Diaz sa vlog nila ni Mama Loi kung saan sinabi nitong tila nagpaparamdam umano sa aktres ang Kapamilya actor na si Piolo Pascual.

Ngunit, wala pang kumpirmasyon ang dalawang aktor ukol dito.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog