Bigong masilbihan ng warrant of arrest ang Kapuso actor
na si Ken Chan na sangkot sa kasong syndicated estafa.
Ayon sa report, wala si Ken sa bahay nito sa Quezon City
nang puntahan ng mga pulis.
Sa social media ng aktor, nasa New York ito kasama ang
pamilya.
Kinasuhan si Ken na paglabag sa Article 315 ng Revised
Penal Code na walang piyansa at may multang habangbuhay na pagkakakulong.
Ayon kina Atty. Joseph Noel Estrada kag Atty. Maverick
Romero kang Estrada & Aquino Law Office, bukod sa aktor ay may pito pang
mga indibidwal an inireklamo ng kanilang mga kliyente.
Ipinahayag ng nasabing mga abogado na aabot sa P14 milyon
ang nakuha ng grupo ni Ken mula sa negosyante.
Samantala, wala pang inilabas na pahayag si Ken sa naturang
warrant of arrest.
0 Comments