Nag-aalok ng oportunidad na makapag-aral sa kolehiyo ang Bureau
of Jail Management and Penology’s (BJMP) Region 6 sa mga indibidwal na miyembro
ng deprived of liberty (PDLs) sa pamamagitan ng College Education Behind Bars
Program ng naturang ahensya.
Ito’y matapos na pumirma sa memorandum of agreement ang Jail
Chief Superintendent Simeon Dolojo, regional director ng BJMP Region 6 at si
Mayor Alfredo Abelardo Benitez.
Nakasaad sa MOA ang misyon ng BJMP na mabigyan ng
oportunidad na makausad ang mga PDL at mandato ding magpatupad ng educational at
skills training/enhancement programs para sa kanila.
Kung saan, sa tulong nito ay mabibigyan ng oportunidad
ang mga PDL na maabot ang kanilang buong potensyal na maging karapat-dapat sa
komunidad.
Dagdag pa rito, inatasan din ang Bacolod City College
(BCC) na mabigyan ng dekalidad at abot-kayang edukasyon ang mga estudyante at
maging globally competitive graduates.
Samanatala, sinabi ni Ma. Johanna Ann Bayoneta, college
administrator ng BCC, may pagkakataon nang makakuha ng degree sa Bachelor of
Science in Entrepreneurship ang mga PDL.
0 Comments