PINOY SINGER MULA SA ABU DHABI, KINILALA NA EMERGING TEEN ICON SA INTERNATIONAL AWARDS


Muling nagbigay ng karangalan sa bansa ang isang 13-anyos na Pinoy singer na nakabase sa UAE matapos kilalanin bilang emerging teen icon sa isang international awards ceremony.

Nakatanggap ng titulong “The Emerging Teen Icon of the Year” si Peter Rosalita sa The Knights Award, isang international awarding body na nakabase sa Malaysia.

“Thank you The Knights Award Malaysia! I am truly grateful and honored to receive this award. I would like to extend my heartfelt thanks to Dr. Zyro Wong and the organizing committee for this recognition. To God be the glory!” pasasalamat ni Rosalita sa kaniyang Facebook post.

Naunang umagaw ng atensyon si Rosalita nang makapasok ito sa semi-finalists ng America’s Got Talent Season 16 noong 2021 kung saan ipinarinig nito sa madla ang kahanga-hangang talento sa pagkanta.

Sinundan pa ito ng pagkakatanggap ng standing ovation sa America’s Got Talent All-Star edition noong 2023 nang kantahin ang kaniyang rendition ng “Go the Distance” ni Michael Bolton.

Naging guests si Rosalita sa isang American talk show na “The Ellen DeGeneres Show”.

Dahil sa katangi-tanging talento ng 13-anyos na Pinoy, nanalo ito sa iba’t ibang local talent contests sa UAE at humakot ng mga awards sa prestihiyosong international competitions.

Ilan sa mga napanalunan ni Rosalita ang Grand Prix sa Tessafest IV International Festival sa Kazakhstan.

Gayundin, naging multi-medalist din si Rosalita sa nalikom na 6 golds at 2 silver medals sa iba’t ibang genre.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog