Ngayong araw, Nobyembre 5 ay nakatakda ang Election Day
sa America.
Sa ngayong taong eleksyon, maglalaban sa posisyon ng
pagkapangulo sina Vice President Kamala Harris at dating Pangulong Donald
Trump.
Nauna nang pumila ang nasa 80 milyong katao upang bumoto
sa pagitan nina Harris at Trump.
Sa huling buong araw ng kampanya, pinanghahawakan ni Trump
ang apat na mga kaalyado sa pivotal swing states kung saan nagsimula itong mangampanya
sa North Carolina bago tumungo sa Pennsylvania para sa dalawang campaign stops
at nagtapos sa Michigan.
Habang, tinapos ni Harris ang kaniyang pangangampanya sa
Pennsylvania sa pamamagitan ng pagsasagawa ng rally sa Philadelphia at
Pittsburg na sinundan isang concert sa Allentown.
0 Comments