Nakaimbento ng kakaibang inidoro ang isang South Korean
professor na si Cho Jae-Weon kung saan hindi lang pag-flush ng dumi ang kaya
nito kundi makakaya nitong ma-convert ang dumi ng tao sa isang enerhiya at nagbibigay
pa ng mga digital na reward sa mga user.
Kada araw, pinoproseso ng naturang inidoro ang nasa 500
grams ng dumi ng tao sa 50-litro ng methane gas na nakakapag-generate ng 0.5
kWh ng enerhiya.
Ngunit, ang ikinaganda nito ay nabibigyan ng mga reward
ang mga users sa isang digital currency na tinatawag na Ggool o mas kilala
bilang “sh*t coin”.
Ang imbentong ito ni Cho ay malaking tulong sa waste
management lalo na sa kapaligiran dahil nagagawa nitong enerhiya ang mga dumi
at humihikayat din ito sa mga tao na mapanatili ito mula sa mga rewards.
0 Comments