Inilabas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga video ng
pangha-harass ng China Coast Guard sa mga Pinoy na mangingisda malapit sa
Escoda o Sabina Shoal nitong nakaraang buwan.
Sa isang sinulat na affidavit, ibinunyag ng mangingisdang
si Arnel Lepalam kung paano sila hinarang ng CCG nang sinubukan nilang lumayag
sa shoal sa West Philippine Sea upang manghuli ng isda.
Sinabi ni Lepalam na namataan ng kanilang grupo ang barko
ng CCG 26 miles mula sa Escoda Shoal noong Oktubre 9.
Dakong 5:50 ng umaga ay nag-deploy ng dalawang speedboat
ang CCG upang gawin ang pangha-harass sa grupo ni Lepalam.
Isang oras ang nakalipas nang tuluyan na silang dinikitan
ng dalawang speedboat ng CCG at pinagbawalang makapasok sa Sabina Shoal.
Binangga pa aniya ng naturang speedboat ng CCG ang katig
ng sinasakyang bangka nina Lepalam at sapilitang itinaboy papalayo sa Sabina
Shoal.
Naranasan din nilang mabusinahan ng malakas mula sa CCG.
Sa nangyaring pangha-harass sa kanila ng CCG ay
napagdesisyunan na lang ng grupo ni Lepalamn a lumipat sa Iroquois Reef upang
mangisda.
Sa sunod na araw ay kaparehong insidente muli ang
kanilang naranasan dahilan na hindi na sila nakakapangisda sa Escoda Shoal.
Takot na din ang namutawi kay Lepalam at sa mga kasama
nito kung kaya’t napilitan nalang itong bumalik sa Quezon, Palawan.
Samantala, hinihintay pa ang pahayag ng PCG kaugnay sa insidente.
0 Comments