ANTIQUEÑO, WAGI SA BOXING COMPETITION SA THAILAND



Nasungkit ni Elmar “Samurai” Zamora ang Light Flyweight kontra kay Wacjorawot Sanpakorn ng Thailand.

Si Zamora ay 25-anyos at tubong Oloc, Laua-an, Antique.

Misyon ng Antiqueño boxer na maging UBO Intercontinental Light Flyweight Champion kung kaya’t ikinararangal ng mga kababayan nito ang pagiging matagumpay sa unang hakbang ng kaniyang boxing career.

Matatandaang natalo din ni Zamora ang katunggali nitong si Thani Narinram sa ikatlong round sa Bangkok, Thailand.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Hanapan ang Blog na Ito