HUKOM SA US, HINARANG ANG BATAS SA LOUISIANA NA I-DISPLAY ANG TEN COMMANDMENTS SA KADA CLASSROOM


 

Pansamantalang hinarang ng US federal judge ang Louisiana law na nagre-require na i-display ang Ten Commandments sa bawat classroom ng pampublikong paaralan sa konserbatibong southern state.

Ayon kay District Judge John deGravelles, ang nasabing batas ay isang unconstitutional at isang paglabag sa First Amendment ng US Constitution.

Itinatag bilang US principle ang paghihiwalay ng simbahan at estado. Habang, ipinagbabawal sa First Amendment ang pagtatag ng national religion.

Nakasaad sa Louisiana law na mandatong mag-display ng Ten Commandment simula sa Enero 1, 2025 sa lahat ng classroom ng pampublikong paaralan, mula kindergarten sa pamamagitan ng state-funded universities.

Kung saan, nire-require nitong i-display ang mga nakasaad sa bibliya sa isang poster o naka-framed sa malaki at madaling mababasa na font.

Mariin ding tinutulan at nagsampa ng reklamo ang mga magulang ng Louisiana schoolchildren at ng American Civil Liberties Union (ACLU) ukol sa panukalang-batas na Ten Commandments.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog