Biglang nabuhay ang isang lalaki sa India bago pa ito sunugin sa kasagsagan ng kaniyang funeral pyre.
Ayon sa mga medical official, nilaktawan ng isang doktor
ang postmortem dahilan na biglang nagising ang isang lalaki.
Kinilala itong si Rohitash Kumar, 25 at mayroong
deperensya sa pagsasalita at pandinig hanggang sa ito’y nagkasakit at isinugod
sa ospital.
Idineklara siyang dead on arrival matapos itong magkaroon
ng epileptic seizure.
Ngunit sa halip na magsagawa ng postmortem upang matukoy
ang dahilan ng pagkamatay ay idinala siya ng mga doktor sa punerarya at
nakatakdang sunugin ayon sa seremonya ng Hindu.
Ipinahayag ni D. Singh, chief medical officer ng ospital,
mayroon ng nakahandang postmortem report ang isang doktor nang hindi man lang
ginawa ng aktwal ang postmortem at tsaka dinala ang katawan ng 25-anyos sa
punerarya upang gawin ang cremation.
Ani pa ni D. Singh, bago pa masindihan ang pyre ay bigla
na lang gumalaw ang katawan ni Kumar na nagpapatunay na ito’y buhay at
humihinga.
Mabilis siyang isinugod sa ospital sa pangalawang beses
ngunit kinumpirmang patay na nitong Biyernes sa gitna ng gamutan.
Samantala, sinuspendi naman ng mga awtoridad ang lisensya
ng tatlong doktor at isinagawa ang imbestigasyon.
0 Comments