Mabilis na na-rescue ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa
156 na mga pasaherong sakay ng RoRo/passenger vessel na MV Maria Olivia matapos
sumadsad sa karagatan habang papaalis ng Romblon.
Kasama ng PCG ang Municipal Disaster Risk Reduction and
Management Office (MDRRMO) at ang Provincial Government sa pag-rescue sa mga pasahero.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang MV Maria
Oliva ay ino-operate ng Montenegro Shipping Lines at umalis sa San Agustin Port
sakay ang nasa 156 na pasahero, 38 crew members kabilang na ang master ng
vessel pati na ang 26 rolling cargos na patungo sana sa Romblon Port.
Ligtas namang naihatid ang mga pasahero sa pantalan ng
Romblon maliban sa isang pasyenteng naka-dialysis at kasama nito dahil kinailangan
nitong ma-access ang kaniyang dialysis equipment na naroroon sa barko.
Sa kabila nito, nagsagawa ng inisyal na oil spill
assessment ang mga tauhan ng PCG at lumabas na negatibo ang result anito.
Sa ngayon ay sinusubaybayan ng CGSS Romblon ang sumadsad
na barko habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa dahilan ng insidente.
0 Comments