Pinaalis ng Nicaragua si Bishop Carlos Herrera, ang
namumuno sa episcopal conference ng bansa.
Ito’y kasunod ng mas pinalakas na hakbang ng pamahalaan
sa Nicaragua laban sa simbahan magmula ng mangyari ang protesta noong 2018.
Sa ulat, nakararanas si Herrera ng “persecution by the
dictatorship” mula sa ilang nangungunang mga opisyal security at administrative.
Sinabi naman ni Martha Molina, abogadong malapit sa Nicaragua’s
Catholic leadership, na napatalsik si Herrera dahil sa pagreklamo nito nang ginambala
ang kaniyang misa ng mga taong nauugnay sa alkalde ng north-central Jinotega.
Kinumpirma ito ni Costa Rican Bishop Manuel Eugenio
Salazar kung saan ipinost nitong nagambala ang mis ani Herrera ng mga taong
nag-setup ng loudspeakers sa labas ng simbahan.
Wala pang sagot sa naturang isyu ang pamahalaan ng
Nicaragua.
0 Comments