‘HELLO, LOVE, AGAIN’, NAKALIKOM NG $2.4M SA US CINEMAS


Patuloy na namamayagpag ang pelikulang “Hello, Love, Again” sa mga sinehan sa Estados Unidos.

Sa pagbubukas ng weekend mula nang simulan ang premiere nito, nakalikom na ng $2.4-milyon sa 248 sites sa US ang naturang pelikula.

Nakapasok din ito sa kasalukuyang Top 10 films sa US na nasa ikawalong ranggo.

Ito ang kauna-unahan na mapabilang ang isang pelikulang Pinoy sa listahan.

Habang, tatlong araw matapos ang unang araw ng ito’y ipalabas sa mga sinehan sa Pilipinas ay umani na ito ng nasa P245-milyon.

Ang “Hello, Love, Again” ay sequel sa kuwento nina Joy at Ethan, limang taon matapos ang blockbuster hit nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye”.

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog