Kasali sa Philippine National Para Games 2024 ang mga
Aklanong PWD na atleta na ginanap nitong Nobyembre 10 hanggang 15 sa Pasig City
at Manila City.
Tinatayang na nasa 30 na mga atleta mula sa Aklan ang
sumabak sa athletics at swimming events ng para games kung saan sa nasabing
bilang ay 19 ang lalaki at 11 ang babae.
Maliban sa 30 mga atleta, binubuo rin ang Team Aklan ng
23 coaches, assistant coaches at chaperones.
Sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission sa Philippine
Association for the Differently Abled (PHILSPADA) at Philippine Paralympic
Committee (PPC) ay muling binuhay ang Para games para sa mga aspiring na atleta
na maibahagi ang kanilang natatanging abilidad at susubok na makakuha ng pwesto
sa National Para Athletes Team.
Ang muling pagbabalik ng para games matapos ang limang
taon ay isang malaking oportunidad upang makabuo ng mga atleta mula sa 72 na
probinsya at lungsod na sasabak sa international competitions.
Samantala, ang mga tatanghaling panalo ay may pagkakataon
na i-represent ang National Para Athletes Team sa Asian Para Games, Paralympics,
ASEAN Para Games at Asian Youth Games.
0 Comments