MISS GRAND INDIA ORGANIZATION, PINUTOL ANG UGNAYAN SA MISS GRAND INTERNATIONAL

 



Inanunsyo ng Miss Grand India Organizational ang pagputol ng ugnayan nito sa Miss Grand International (MGI) dahil ang kanilang visions at goals ay iba sa MGI.

Ayon kay Nikhil Anand, presidente Glamanand Entertainment Pvt. Ltd., matapos ang maingat na konsiderasyon, napagdesisyunan nitong tumiwalag na sa organisasyon ng Miss Grand International.

Aniya pa, nakatuon sila sa mga kapana-panabik na paparating na investments at proyekto na kanilang ibubunyag sa publiko.

Bagama’t pinutol na nila ang kanilang uganayan sa MGI, ipinagdiriwang pa din nila ang panalo ni Rachel Gupta na nag-uwi ng kauna-unahang Golden Crown para sa India sa Miss Grand International 2024.

Samantala, ang Miss Grand International ngayon, tampok ang 69 na mga kandidata na mag-aagawan para sa korona, ay may temang “Spirit of Thailand”.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog