MAGKAPATID NA PINOY PATAY SA PAMAMARIL SA CALIFORNIA


Sabay na binawian ng buhay ang dalawang magkapatid na Pilipino sa Lancaster, California matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Nangyari ang trahedya noong Sabado ng madaling sa Amerika kung saan kinilala ang mga namatay na sina Janvi Maquindang at Christine Asa-Ca.
Maliban sa kanila, dead on the spot din sa pamamaril ang fiancé ni Asa-Ca na si Edwin Garcia, habang namatay sa ospital ang partner ni Maquindang na si Matthew Montebello.
Patay rin ang tatlong aso na binarily ng suspek.
Nagkaroon naman ng sunog sa kanilang bahay na agad na naapula ng mga bombero.
Wala pang naaresto sa misteryosong pamamaril at hindi rin matukoy ang motibo sa krimen pati na ang pinamula ng apoy.
Humingi na nang tulong pinansyal ang pamilya ng mga namatay sa publiko para sa gastos ng mga natitirang kapatid.
Tinawag ng pamilya na “senseless act of gun violence” ang nagyaring krimen at hindi umano matatawaran ang emotional at psychological pain na dala nito sa kanila.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog