JAPAN, NAKADISKUBRE NG $26.2 BILYON HALAGA NG PAMBIHIRANG EARTH METALS


Nadiskubre ng mga dalubhasa sa Japan ang isang pambihirang earth materials na maaaring makakatulong sa ekonomiya nito sa mga susunod na dekada.

Aabot lang naman kasi ang halaga nito sa halos $26,290,780,000.

Natagpuan ng University of Tokyo at The Nippon Foundation ang naturang mayaman na mineral deposit sa seabed ng Minami-Torishima Island.

Nagtataglay ito ng nickel, manganese, at cobalt na kung saan ito ang mga mahahalagang sangkap sa electric vehicle batteries.

Ang mga minerals na natagpuan ay nasa 230 milyong tonelada ng manganese deposits na kasing laki ng kamao. Ibinunyag pa sa analysis na ang mga deposit ay naglalaman ng humigit-kumulang 610,000 toneledang cobalt.

Sinasabing sapat na ang nasabing dami ng minerals na maabot ang demand ng Japan sa mahigit 75 na taon.

Gayundin, nakatagpo rin ang research team ng 740,000 tons ng nickel na makakasuporta sa pangangailangan ng bansa para sa mahigit 11 na taon.

Ayon kay Professor Yasuhiro Kato ng Graduate School ng University of Tokyo, ang nabanggit na mga resources ay napaka-importante para sa seguridad ng ekonomiya.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog