MGA LABI NG ISANG HIGANTENG SEA CREATURE, NAISPATAN SA BAYBAYIN NG DUMANJUG, CEBU


Naispatang palutang-lutang ang mga labi ng isang malaking sea creature sa baybaying ng Sitio Balasdiyot sa Barangay Calaboon, Dumanjug, Cebu.

Sa isang pahayag, ini-report ng isang residente na nakakita sa naturang nilalang na nakita niya ito bandang alas-3:00 ng hapon nitong Linggo habang lumalangoy sa dagat.

Sinasabing mailalarawan ng mga nakakitang lokal na mangingisda ang nabanggit na sea creature na isang malaking isda na tila isang uri ng stingray o tinatawag nilang “Salanga”.

May ilan namang residente ang naniniwala na ang nasabing sea creature ay nasa mahigit 100 taon batay sa sukat at itsura nito.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang mga residente sa ahensya ng DENR at BFAR upang matukoy ang pagkakakilanlan ng naispatang sea creature.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog