7 PATAY SA PAGHAGUPIT NG BAGYONG PEPITO SA NUEVA VIZCAYA

 



Nakapagtala ng pitong kataong patay ang mga awtoridad mula sa barangay Labang sa bayan ng Ambaguio, Nueva Vizcaya matapos ang pananalasa ng bagyong Pepito.

Ayon sa ulat, natabunan ang bahay ng magkakamag-anak na nasa gilid ng bundok at nakisilong ang iba pa nang tumama ang bagyo. 

Na-rescue naman ang tatlong indibidwal ngunit pitong bangkay ang narekober ng rescue teams.

Pahayag ni Gov. Jose Gambito na maaga itong nagbabala sa mga residente na lumikas subalit ikinabigla ng lahat na maging ang mga lugar na hindi binabaha ay biglang tumaas ang antas ng tubig.

Dahil sa matinding paghagupit ng bagyong Pepito ay maraming mga dike ang nasira, maging ang mga poste ay natumba, namatay din ang mga alagang hayop at hindi pa mabilang na mga bahay ang nagiba at nilipad.

Bagama't bukas ang daan patungong Maynila, maraming natumbang mga puno at sanga ng kahoy na nakalaylay maging mga linya ng kuryente.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog