LIBACAO, NANANATILING INSURGENCY-FREE SA KABILA NG SUNOD-SUNOD NA ENGKWENTRO NG NPA VS ARMY

 


READ | Naglabas ng pahayag ang bise-alkalde ng munisipalidad ng Libacao sa probinsya ng Aklan kaugnay ng nangyaring engkwentro sa naturang bayan.

Binigyang-diin ni Libacao Vice Mayor Vincent Navarosa na ang nasabing bayan ay nananatiling “insurgency-free” kung saan walang Libacaonon ang napabilang na miyembro ng New People’s Army (NPA).




Gayundin, walang residente ng anumang remote barangays ang sumusuporta o nakikilahok sa mga aktibidad na makakagulo sa kapayapaan ng lugar.

Nilinaw pa ni Navarosa na ang nangyaring engkwentro ay ginanap sa boundary area sa pagitan ng Aklan at Capiz. Idiniin pa nito na ang naturang insidente ay hindi makakaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga taga-Libacao.

“We want the public to know that Libacao is a peaceful municipality, where residents prioritize harmony over conflict”.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog