ATLETANG PINOY NA MAY STAGE 4 CANCER, TINAPOS ANG IRONMAN CHAMPIONSHIPS


 

Matagumpay na tinapos ng 50-anyos na Pinoy athlete ang kumpetisyon sa 2024 Ironman Kona World Championships sa kabila ng karamdaman nito.

Sa kasagsagan ng paglangoy ni Jonathan Pascual sa katubigang sakop ng Kailua Bay sa Hawaii, patuloy ang pagtaas ng dugo sa kaniyang ulo.

Nagiging mahirap na din para sa kaniya ang paghinga sa tuwing pagliko nito lalo na’t ang malignant na tumor na malapit sa kanyang leeg at dibdib ay nakaharang sa pagdaloy ng dugo sa kanyang utak.

Si Pascual ay mayroong stage 4 mediastinal paraganglioma, na may mga tumor na nag-metastasize sa ibang bahagi ng kanyang katawan tulad ng kanyang mga buto.

Noong 2007, sumailalim ito ng surgery upang matanggal ang brain tumor na naging daan para sa kaniya na pag-aralan at magsanay ng stoicism, isang philosophy na nagsimula sa Ancient Greece na nagtataguyod ng paniniwala ng kabutihan bilang susi sa isang maayos na pamumuhay.

Sa kabila ng karamdaman ay napagtagumpayan nitong maitawid ang turnaround point na 3.8-kilometer swim matapos ang mahigit isang oras at 20-minuto.

Napaiyak naman si Pascual nang malamang mayroon pa itong nalalabing oras na matapos ang naturang Ironman.  

Bagama’t alam ni Pascual na mas lalong lalala ang kaniyang kondisyon ay isinantabi niya ito at ipinagpatuloy na gawin ang kaniyang mga gustong gawin kasama ang mga mahal sa buhay.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog