Naghahanda na ang Pilipinas at Australia na mailunsad ang cyber program na magpapalakas sa seguridad ng mga bansa sa Southeast Asia laban sa mga cyberattack at online threats.
Ayon kay Prof. Helge Janicke, research director ng Australia’s
Cyber Security Cooperative Research Centre, sila’y nakatutok sa “cyber boot
program” na magbibigay ng technical skills upang paghandaan ang cyberattacks.
Ang naturang programa ay na-conceptualized matapos na
lumagda ang Pilipinas at Australia sa isang memorandum of understanding sa
Cyber and Critical Technology Cooperation noong buwan ng Pebrero.
Sa ilalim ng kasunduan, nakatakdang magbahagi ng mga
impormasyon at stratehiya ang nasabing mga bansa sa pag-manage ng cyberspace.
Nakapaloob din sa kasunduan ang pagtutulungan ng Manila
at Canberra sa pagtugon ng mga cyber issue na maaaring magdulot sa seguridad ng
mga bansa.
Matatandaan noong Abril 2024, pumirma si Pangulong
Ferdinand Marcos Jr. sa isang Executive Order No. 58 na nag-uutos sa lahat ng
ahensya ng gobyerno na "magbalangkas, magpatibay at magpatupad ng kanilang
mga plano at estratehiya sa cybersecurity" upang palakasin ang seguridad
at katatagan ng cyberspace ng Pilipinas.
0 Comments