“DEMURE”, KINILALA NG DICTIONARY.COM BILANG WORD OF THE YEAR 2024


 

Pinangalanang Word of the Year 2024 ng Dictionary.com ang salitang “demure” kung saan naungusan nito ang “brainrot”, “brat”, at “weird” sa labanan para sa supremacy sa pop culture lexicon.

Naging viral ang salitang “demure” nang gamitin ito ng isang TikTok user na si Jools Lebron sa kasabihan na “very demure, very mindful” sa kaniyang mga videos.

Ang salitang “demure” ay nangangahulugan ng pagiging mabini, mahinhin, mayumi at maihahalintulad sa kasabihang dalagang Pilipina.

Ayon sa Dictionary.com, ang Word of the Year ay hindi lang tungkol sa sikat na paggamit, kundi naibubunyag nito ang mga kwento tungkol sa sarili at kung paano ito nababago sa paglipas ng taon.

Samantala, sa pagpili ng 2024 Word of the Year, pinag-aaralan ng mga lexicographers ang mga datus ukol dito kabilang na ang newsworthy headlines, trends sa social media, search engine results, at marami pang iba na magtutukoy sa mga salitang may malaking epekto sa pag-uusap, online at sa totoong mundo.

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog