Ipinasara ng mga awtoridad sa New Delhi, India ang mga paaralan gayundin ang operasyon ng mga konstruksyon ay itinigil bunsod ng lumalalang air pollution sa lugar.
Ayon sa Safar, umakyat na sa severe category ang air
pollution sa New Delhi kung saan nagiging delikado na ito sa mga residenteng
nakakalanghap nito.
Natatabunan na ng makakapal na usok ang mga monumento at
matataas na gusali sa syudad. Halos hindi na rin nakikita ang kalangitan kung
kaya’t nagkakaroon ng mga pag-antala sa flight ng mga airlines.
Taun-taon ay tumataas ang air pollution sa northern India,
partikular na sa winter season, dahil sa pagsusunog ng mga magsasaka ng
natitirang pananim sa sakahan.
Ang naturang usok mula sa sunog ay sumasabay sa malamig
na temperatura kung saan nakukulong ang usok sa hangin. Hanggang sa naiihip ito
patungo sa lungsod na dumaragdag inilalabas na usok mula sa mga pabrika na
nagiging sanhi ng polusyon sa hangin.
Kaugnay nito, hindi muna pinapayagan ang pagpasok sa
eskwelahan maging ang mga trucks ay hindi papayagan na makapasok sa syudad
maliban sa mga may karga ng essential items.
Samantala, hinimok ng mga awtoridad sa New Delhi ang mga indibidwal
na mayroong chronic diseases o respiratory issues na iwasan ang paglabas.
0 Comments