66 KANDIDATO SA PAGIGING SENADOR, APRUBADO NG COMELEC; 47, IDINEKLARANG PANGGULO LANG

 


Sa kabuuang 183 na nagsumite ng kandidatura sa pagka-senador, tanging 66 na mga kandidato lamang ang inaprubahan ng Commission on Elections (COMELEC) na tutuloy para sa 2025 May Elections.

Kung saan, ang 66 senatorial aspirants ang pagpipilian ng publiko na uupo sa senado.

Matatandaan na matapos ang itinakdang araw ng pagsumite ng COCs, may ilang indibidwal ang tila panggulo lamang ang sumubok na mahalal bilang senador ng bansa dahilan na pinagtuunan ng oras ng Comelec na masuri ang bawat kandidato.

Mula sa kabuuang bilang ng mga nagsumite ng COCs, 47 senatorial aspirants ang idineklarang “nuisance” at hindi na makakatakbo pa sa May 2025 midterm Elections.

Sa isang post, sinabi ng Comelec na kinansela ng kanilang First and Second Divisions ang COCs ng 47 na kandidato.

Gayunpaman, nilinaw naman ng Comelec na ang desisyon ng dalawang divisions ay maaari pang iapela at isasailalim sa isang motion for reconsideration.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog