‘IWASAN ANG MARANGYANG PAGDIRIWANG NGAYONG PASKO’ - EXECUTIVE SECRETARY LUCAS BERSAMIN


Hinikayat ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang lahat ng ahensya sa pamahalaan na iwasan ang mga marangyang pagdiriwang ng Kapaskuhan ngayong Disyembre.

Ito’y kasunod ng nangyaring pananalasa ng ilang mga bagyo sa bansa kung saan maraming mga Pilipino ang apektado.

Ipinahayag pa ni Bersamin na ang kaniyang paghihikayat sa publiko ay panawagan sa pagkakaisa para sa milyon-milyong kababayan na patuloy na nagdadalamhati sa pagkawala kanilang mga mahal sa buhay, mga tirahan at hanapbuhay dulot ng sunod-sunod na paghagupit ng mga bagyo sa loob ng halos isang buwan.

Hinimok pa ni Bersamin ang publiko na magbigay ng donasyon para sa mga komunidad na tinamaan ng sunod-sunod na kalamidad.

“On the part of the government, we will make sure that the Christmas spirit will be felt early by all the affected areas in the form of relief goods and assistance, of infrastructure rebuilt, and of livelihoods restored,” aniya. 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog