HULING BATCH NG ACMs, NAKAHANDA NANG IHATID SA PILIPINAS – COMELEC

 


Nakahanda nang ihatid sa Pilipinas ang huling batch ng automated counting machines (ACMs) mula sa Busan, South Korea.

Ayon sa Comelec, ang mga ACM ay nasa Busan New Port Complex kung saan nasaksihan ng ilan sa mga opisyal nito ang pag-iimbak, paghawak, at tuluyang containerization ng huling batch.

Sinasabing ang natitirang batch ng ACM kits ay forklifted at inimbak sa dalawang secure na intermediate shipping container na may kabuuang mahigit 1,000 kahon ng ACM kits sa CJ BND Logistics Center sa Busan New Port Complex sa South Korea.

Nakatakda namang dumating sa container terminal ang cargo ship laman ang huling batch ng ACM kits sa Nobyembre 3.

Target ang shipment ng dalawang cargo container sa Nobyembre 4 at ang delivery sa Comelec warehouse sa Biñan, Laguna ay inaasahan sa susunod na buwan.

Napag-alaman na ang kompanya sa South Korea ang gumawa ng mga ACM na gagamitin para i-automate ang Mayo 12, 2025 midterm at Bangsamoro parliamentary elections.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog