Sugatan ang 19 na katao sa Sharon region ng Central
Israel nang maglunsad ng tatlong projectiles ang Lebanon nitong Sabado,
Nobyembre 2.
Nauna nang iniulat na mayroon nang pitong katao ang
sugatan sa bayan ng Tira.
Sunod-sunod naman ang pagresponde ng mga ambulansya sa
ilang lugar sa central Israel matapos ang paglunsad ng projectile.
Sa kabila ng pagharang sa mga ito ay may ilan pa ding
nakalusot.
Kinalaunan, sinabi ng Islamic Resistance sa Iraq na naglunsad
sila ng mga drone sa “vital target” sa northern Israel.
Hindi naman malinaw kung ang aksyong ito ang dahilan ng
injury ng mga biktima.
0 Comments