ELON MUSK AT VIVEK RAMASWAMY, PAMUMUNUAN ANG BAGONG DEPARTMENT OF GOVERNMENT EFFICIENCY

 


Itinalaga ni US President Donald Trump sina Elon Musk at Vivek Ramaswamy na mamuno sa bagong “Department of Government Efficiency” sa ilalim ng kaniyang ikalawang administrasyon.

Ayon kay Trump, magiging responsibla sina Musk at Ramaswamy na kalasin ang Government Bureaucracy, bawasan ang labis na regulasyon, putulin ang mga wasteful expenditures, at muling ayusin ang Federal Agencies.

Iminungkahi ni Trump na buuin ang government efficiency commission bilang bahagi ng kaniyang bagong economic plans na ibinunyag nito noong Setyembre.

Nilinaw pa ni Trump na ang naturang binuong departamento ay hindi parte ng formal structure ng gobyerno kundi magbibigay ito ng abiso at gabay para sa pagbubukas ng bureaucracy reform.

Makakatrabaho din ni ang White House at ang Office of Management and Budget.

Samantala, itinalaga namang Defense Secretary si Pete Hegseth at si John Ratcliffe ang magiging Director ng National Defense.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog