Naghahanda na ang gobyerno ng Pilipinas sa pag-assist sa tinatayang 370,000 na mga Pinoy na posibleng ma-deport mula sa Estados Unidos.
Target ng Republican president-elect Donald Trump na ipa-deport
ang nasa isang milyong mga illegal immigrants taun-taon.
Noong 2017 hanggang 2020 ay nasa mahigit 3,500 na mga
Pilipino ang pinauwi mula sa US.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Cacdac, nakahanda
na ang financial, legal at iba pang support mechanism para sa mga apektadong
Pilipino.
Tiniyak pa ni Cacdac na agad na magkakaroon ng access ang
mga na-deport na Pilipino sa essential services sa pamamagitan ng Aksyon Fund
at emergency repatriation fund.
Palalawigin din ang job retooling, reskilling at
employment facilitation sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and
Employment, Department of Trade and Industry at Technical Education and Skills
Development Authority.
Pinayuhan din ang mga illegal Filipino migrant na may
hindi pa nababayarang sahod at iba pang may reklamo sa trabaho ay agad
makipag-ugnayan sa tanggapan ng DMW sa US.
0 Comments