Makakatanggap ng pagtaas sa kanilang sahod ang nasa
mahigit 193,000 minimum wage earners sa Western Visayas simula sa Nobyembre 17,
alinsunod sa Wage Order No. RBVI-28.
Ayon sa datos ng Department of Labor and Employment
(DOLE) Region 6, humigit-kumulang 300,252 na mga full-time workers at salaried
employees na kumikita ng higit sa minimum wage ay maging posible sa indirect
benefits.
Habang, sa ilalim ng Wage Order RBVI-DW-06 kung saan nakatakda
ang bagong minimum wage rate para sa mga domestic workers.
Inaprubahan din ng National Wages and Productivity
Commission (NWPC) ang magkahiwalay na wage orders kung saan sa ilalim ng Wage
Order No. RBVI-28 ay nasa P33 hanggang P40 ang idadagdag sa sahod ng mga
private sector employees.
Habang, sa ilalim ng Wage Order No. RBVI-DW-05 ay nasa
P1,000 ang idadagdag sa sweldo ng mga domestic workers.
Samantala, nahaharap naman sa penalidad ang mga kumpanya
o establisyemento na bigong maka-comply sa ipinapatupad na bagong wage rates sa
ilalim ng Section 12 of Republic Act No. 6727, as amended by Republic Act No.
8188.
0 Comments