BABAE, NALAMANG KASAL NA SA HINDI PA NAKIKILALANG LALAKI

 

via K5 News FM Cadiz


Nagtataka ang isang babae sa Bacolod City nang madiskubre nitong isang taon na itong kasal sa hindi pa niya nakikilalang lalaki.

Mag-aapply sana ng Certificate of No Marriage (CENOMAR) si Evelyn bilang paghahanda sa kaniyang nalalapit na kasal ngunit laking-gulat nito na lumalabas sa record nitong ito’y kasal na pala ng isang taon.

Sa halip kasi na CENOMAR ang ibigay sa kaniya ay Certificate of Marriage ang natanggap nito na nagpapahiwatig na siya’y kasal na sa isang Indian national sa Valenzuela City noong nakaraang taon.

Mas lumala pa ang sitwasyon nang mapansin nito na tumugma ang detalye na nakalagay sa nasabing sertipiko, kasama na ang pangalan nito maging ng kaniyang mga magulang.

Gayunpaman, ipinahayag ni Evelyn na hindi sa kaniya ang pirma sa dokumento kung kaya’y hinala nito’y ginamit ang kaniyang pagkakakilanlan.

Inamin pa nito na hindi pa siya nakapunta ng Valenzuela City kung saan nangyari umano ang kasal.

Kinuwestyon naman ni Evelyn ang mga lokal na opisyal ng civil registry kung bakit ito pinahintulutan na hindi man lang aniya nai-verify ang authenticity ng mga dokumento.

Panawagan ni Evelyn na magkaroon ng masusing imbestigasyon sa nasabing insidente at determinado itong malinis ang pangalan.

Dahil sa nangyari, naantala ang plano nitong pagpapakasal sa partner nito at nag-alala rin siya tungkol sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan nito at hindi magandang pagproseso ng mga dokumento.

Sa ngayon, wala pang sagot ang kaugnay na ahensya sa apela ni Evelyn para sa imbestigasyon.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog