Tuloy ang pamamayagpag ng Gilas Pilipinas sa pagiging isa
sa mga best basketball squads sa Asya.
Ito’y matapos na matalo ng grupo ang New Zealand sa score
na 93-89 sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers nitong Huwebes sa Mall of Asia Arena
sa Pasay City.
Bagama’t nahirapang makalusot ang mga manlalaro dahil sa
mahigpit na laro ay nagawan pa din ito ng paraan hanggang sa napagtagumpayang
maungusan ang katunggali sa laro.
Ang pagkapanalo ng Pilipinas kontra sa New Zealand ay
kauna-unahan matapos ang apat na laro magmula noong 2016.
Maliban sa paggawa ng makasaysayang pagkapanalo ay
inilagay din nito ang Gilas sa 3-0 ng Group B, panalong malapit sa pagsungkit
ang kanilang puwesto sa Asia Cup sa Saudi sa susunod na taon.
Samantala, sunod na makakalaban ng Gilas sa Linggo,
Nobyembre 25 sa parehong lugar ang Hong Kong.
0 Comments