6 NA HINIHINALANG MIYEMBRO NG NPA, PATAY SA ENGKWENTRO SA NEGROS OCCIDENTAL


Patay ang anim na hinihinalang miyembro ng South West Front New People’s Army (NPA) sa isang engkwentro sa mga sundalo sa Barangay Gatuslaom, Candoni, Negros Occidental ngayong Huwebes, Nobyembre 21 kaninang 3:40 ng madaling araw.

Ayon kay Brigadier General Joey Escanillas, commander ng Army’s 302nd Infantry Brigade, inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng mga namatay na rebelde.

Aniya pa, tumagal ang bakbakan ng 45-minuto sa pagitan ng mga sundalo at nasa 10 NPA.

Sinabi pa ni Escanillas na ang naturang mga rebelde ay nasa lugar upang mag-recruit ng bagong mga miyembro.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog