HEAVY SNOW SA SOUTH KOREA, NAGDULOT NG PAGKAANTALA SA OPERASYON NG MGA TRANSPORTASYON AT IBA PA

 



Nakakaranas ng pagbigat sa trapiko, pagkawala ng kuryente, at pagkansela ng daan-daang flight matapos mabalot ng heavy snow ang Seoul, South Korea nitong Miyerkules, Nobyembre 27.

Ayon sa weather agency, ito na ang pinakamalaking naitalang pagbagsak ng niyebe mula noong 1907.

Kung ang mga turista ay natutuwa sa pagkakasaksi ng snow sa lugar, isang antala naman ang dulot nito sa mga locals lalo na’t halos natatabunan na nito ang mga daan maging ang kanilang pang-araw-araw na ginagawa ay nagkakaroon ng pag-delay.

Kaugnay nito, nasa mahigit 200 flights ang naantala dahil sa masamang lagay ng panahon habang mahigit 70 ferry naman ang sinuspinde.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog