Kinasuhan ang tatlong katao na sangkot sa pagkamatay ng
singer ng One Direction na si Liam Payne nitong nakaraang buwan.
Ginulat ng 31-anyos na Bristish singer ang buong mundo sa
biglaan nitong pagkamatay kung saan nahulog ito mula sa kaniyang tinutuluyang
hotel sa Buenos Aires, Argentina.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, isang tawag ang natanggap
ng 911 mula sa isang empleyado ng hotel na umaaktong agresibo umano ang singer
at may posibilidad na nasa ilalim ng impluwensya ng droga at nakakalasing na
inumin.
Lumalabas sa resulta ng autopsy ng dating boy band member
na mayroon itong bakas ng alcohol, cocaine at prescription ng antidepressant sa
kaniyang sistema nang ito’y mamatay.
Kasama sa mga kinasuhan ang hinihinalang drug dealer,
isang empleyado ng hotel na nagbigay kay Payne ng cocaine at isang indibidwal
na malapit rito.
Inakusahan din ng mga awtoridad ang lahat ng mga naging
kasabwat sa pagbibigay ng droga kay Payne.
Gayundin, ang taong bumisita sa singer ay kinasuhan ng "abandonment
of a person followed by death”.
Samantala, hindi naman pinangalanan ang mga akusado.
0 Comments