Iniligtas ng mga awtoridad ang isang 10-anyos na bata sa
Navotas City matapos umano itong sapilitang pinagbebenta ng kaniyang ina at ng
kinakasama nito ng ipinagbabawal na gamot.
Sa pahayag, kwento ng bata na sinasaktan umano ito ng
kaniyang magulang kapag hindi nito susundin ang utos nilang magbenta siya ng
droga.
Dagdag pa dito, umabot ng halos isang taon ang nasabing
kalakaran hanggang sa napagdesisyunan na nitong tumakas at magsumbong sa kaniyang
lola.
Dito na humingi ng tulong ang lola sa mga awtoridad.
Agad namang inaresto ang lalaki at kasama nito sa isang
buy-bust operation ngunit mariin nitong itinanggi ang mga paratang.
Samantala, sinampahan na ng kasong pagbebenta at
pag-iingat ng ilegal na droga ang mga akusado.
0 Comments