HOTEL SA ARGENTINA, GUMUHO; 1 PATAY; 9 NAWAWALA

 


Patay ang isang indibidwal habang nasa siyam na katao pa ang nawawala matapos gumuho ang isang ten-storey hotel sa Argentina.

Ayon sa pahayag, nangyari ang insidente nitong Martes ng umaga sa syudad ng Villa Gessell, halos 230-miles mula sa capital Buenos Aires sa Atlantic coast.

Nakilala ang biktima na isang 80-anyos na naninirahan sa katabing gusali ng gumuhong hotel.

Nailigtas naman ang partnes nito ngunit inaalam pa kung naroroon sa site ang kanilang anak.

Agad namang nagtulong-tulong ang mga bumbero, paramedics at mga pulis na maialis ang mga debris upang matukoy kung mayroon pang mga biktima na na-trap sa gumuhong hotel.

Kabilang sa mga naiulat na nawawala ang mga manggagawa mula sa construction site ng hotel na nag-o-operate na hindi nakapag-comply sa regulasyon ng munisipalidad.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon sa dahilan ng pagguho ng naturang hotel habang apat na kataong nauugnay sa construction site ay agad na inaresto.

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog