Naging emosyunal si Kamala Harris sa kaniyang concession speech kasabay ng kaniyang pagkatalo sa pagkapangulo ng United States kontra kay Donald Trump.
Sa kabila ng pagkatalo ni Harris, sinabi nito sa kaniyang
mga supporters sa Washington na “do not despair” at hinikayat na “keep fighting”.
"While I concede this election, I do not concede the
fight that fueled this campaign," aniya pa.
Matatandaang binato ni Harris ng samu’t saring batikos si
Trump bilang banta sa demokrasya sa panahon ng kanyang pagkabigo na maging
unang babaeng presidente ng America.
Sa kabila nito, opisyal namang sinelyuhan ni Trump ang
makasaysayan nitong pagbabalik sa White House sa kabila ng isang criminal
conviction, dalawang impeachments habang nasa opisina at babala mula sa
kaniyang dating chief of staff na siya ay isang “fascist”.
0 Comments