Nag-isyu ng 30-araw na ultimatum ang Estados Unidos sa
Israel upang palakasin ang humanitarian aid access sa Gaza kasabay ng
pagbabanta na ititigil ang kanilang military aid kapag nabigo silang gawin ang
utos.
Ang naturang babala ay ipinaabot ng administrasyon Biden
sa pamahalaan ng Israel.
Maituturing itong pinakamatinding babala ng US sa Israel
mula nang magsimula ang giyera sa Gaza.
Gayundin, nababahala din ang US sa deteriorating
humanitarian situation sa rehiyon.
Samantala, pinag-aaralan na at sinusuri na ng Israel ang
naturang mensahe na ipinadala ng US.
0 Comments