Pormal nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na mabigyan ng academic support program ang mga estudyanteng bumagsak o maginally passed ang kanilang mga exam.
Ang Republic Act No. 12028 o Academic Recovery and
Accessible Learning (Aral) Program ay pinirmahan ni BBM kasabay ng isang seremonya
sa Malacañan Palace.
Sa ilalim ng Aral Program, papayagan na kumuha ng
refresher courses ang mga estudyante sa summer breaks alinsunod sa mga sumusunod
na kondisyon.
- ·
Mga estudyanteng bigong maipasa ang mga
pagsusulit at tests na in-assessed at na-evaluate ng ma guro;
- · Mga estudyanteng may mga gradong nasa o bahagyang
mas mataas sa minimum level ng mastery na nire-require sa pagkamit ng Most
Essential Learning Competencies
- ·
Mga estudyanteng kakabalik lang sa paaralan
matapos ang pamamahinga
Inaprubahan naman ng senado at ng kongreso ang final
version ng naturang panukalang batas nitong buwan ng Agosto.
0 Comments