ROBOTIC KITCHEN, NAGHAHANDA NG PAGKAIN SA GERMANY 24/7

 


May katuwang na ang mga staff sa isang ospital sa Germany sa paghahanda ng pagkain sa itinayong robotic kitchen ng GoodBytz.

Kung saan, kaya nitong maghanda ng hanggang 120 na iba’t ibang meals sa loob lang ng ilang minuto gamit ang nahanda nang mga ingredients.

Ayon kay Kevin Deutmarg ng GoodBytz, mayroon nang refrigerator sa likod ng naturang robotic kitchen kung saan ang mga ingredients ay naka-portioned na.

Mula sa pagpipiliang mga pagkain sa touchscreen display ay mabilisang gumagalaw ang robotic kitchen upang agad na maihanda ang inorder na pagkain ng customer.

Kabilang sa mga menu ay ang ilang German classics tulad ng Koenigsberger Klopse (meatballs), lentil spaetzle, cheese spaetzle at chicken fricassee. Mayroon din itong mga Asian dishes tulad ng Ramen, Pho, Udon Noodle stir fries, rice stir fries with sweet and sour sauce at iba’t ibang klase ng pasta dishes sa Italian style.

Ikinatuwa naman ito ng Tuebingen University Hospital lalo na’t nakakatulong ito sa mga staff.

Gayunpaman, ang nasabing robotic kitchen ay hindi gumagana kapag walang tao dahil kinakailangang punan ng mga empleyado ang refrigerator na naaayon sa kitchen module.  

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog