UE TINALO ANG ATENEO SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON



Naagaw ng University of East ang pagkapanalo sa basketball kontra sa Ateneo de Manila University sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang halos siyam na taon.

Sa pamumuno ni Precious Momowei sa Red Warriors ay nanungusan ng grupo ang Blue Eagles sa score na 69-62 sa ginanap na UAAP Season 87 men’s basketball tournament nitong Miyerkules sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Nangunguna naman si Momowei na nakakuha ng maraming puntos para sa Red Warriors na may 18 points at 15 rebounds, habang si Wello Lingolingo ay mayroong 13 markers sa medyo low-scoring ballgame.

Magugunita na ang huling panalo ng UE kontra sa Ateneo ay noong round ng Season 78 sa score na 74-69, noong Nobyembre 14, 2015.


Post a Comment

0 Comments

Search This Blog